Dahil tao lang ako at may HANGGANAN ang lahat
ilang beses ko na bang sinabi na hindi ako perpekto? ilang beses ko na bang sinabi na tao lang ako?hindi ko na din mabilang. napakaraming beses ko nang sinabi na ako ay tao lang at maraming kahinaan at kasalanan, hindi ko ginagawang excuse ang aking pagiging tao nais ko lang ipaalala.
hindi ba kayo din naman, pagnagkakamali kayo sasabihin niyo kaagad, "tao lang ako..." at inaasahan ninyo na maiintindihan kayo kaagad ng mga tao. pero bakit ganun, pag sinabi kong tao lang ako hindi niyo maintindihan. hindi, o baka ayaw lang talaga ninyong intindihin. may pagkakaiba din kasi yun eh.
hindi ko maintindihan kung bakit gusto niyong intindihin kayo pero ayaw niyong intindihin ang iba. gusto niyong irespeto kayo pero ayaw niyong respetuhin ang iba. gusto niyong patawarin kayo pero ayaw niyong magpatawad.
hindi lang kayo ang tao. TAO din ako.
lahat ng bagay sa mundo may hangganan, may katapusan.
hindi habang buhay na hahayaan ko na lang na ganito. hindi habang buhay na tatahimik ako at magwawalang bahala. hindi habang buhay na magbubulag-bulagan ako.
may katapusan ang lahat.
ako ay taong hindi naman talaga matatawag na 'patient' pero sa napaka habang panahon pinilit kong intindihin ang lahat. nanahimik ako at hinayaan kayo na husgahan ako at siraan ako. kahit alam ko kung ano ang sinasabi ninyo pag wala ako, hindi ako umimik. pinilit kong magpasensya. pero sana lang wag niyong isipin na habang buhay ganito na lang. masama akong magalit, kaya wag niyo akong pilitin.
hindi ko ipinagpipilitan ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin. kung ayaw mo sa akin then leave me alone. huwag mo akong siraan, wag mo akong isipin, wag niyo akong pag-usapan. ayaw niyo sa akin at sa ugali ko di ba?
hindi ko na kailangang sabihin kung sino kayo. you know who you are. pag tinamaan ka, ikaw na yun.
oo, maldita ako. oo, suplada ako. pero ang masasabi ko lang, at least harap-harapan ang pagiging kontrabida ko. hindi ako ngumiti sa inyo ng hindi bukal sa puso ko. hindi ako nakikipag-usap at nakikipag tawanan sa mga taong hindi ko feel kausap. hindi ako ngumingiti sa mga taong hindi ko gusto. kahit kailan hindi ako nagpanggap na mabait sa harap ninyo tapos sisiraan kayo pagtalikod ninyo. kung gaano ka laki ng ngiti ko sa harap mo, ganun pa rin yun pag talikod ko.
siguro nga masama akong tao pero totoo ako sa sarili ko.
SANA kayo rin.
"Tungkuling mong tumulong sa kapwa dahil may kakayanan ka at gusto mong tumulong. Pero wag mong kalimutan na hindi mo mababago ang mundo at hindi mo maililigtas ang lahat ng tao. Hindi ikaw ang unang nagtangka… hindi ikaw ang magiging huli… hindi ka solusyon. Pero hindi dahilan yon para mawalan ka ng pag-asa at tumigil sa pagbibigay nito." – Mang Ernesto

0 comments:
Post a Comment