Sunday, April 11, 2010

earphone

Kulang sa isang oras ang binibyahe ko papunta sa aking pupuntahan. Maaga. Tahimik sa loob ng sasakyan, dahil na rin siguro sa kulang sa tulog ang mga bumibyahe. Walang enerhiya. Kanya-kanyang saksak ng earphone sa tenga, marahil pampakundisyon sa nakakasawang trabaho. Ganyang scenario ang madalas kong maranasan sa araw-araw kong pag biyahe ng maaga.

Kanya-kanyang trip ng musika. Palakasan ng volume. Hindi maiiwasang marinig mo din ang pinakikinggan ng katabi, lalo na kung ang volume niya ay nakakapagpa-rakenrol ng kanyang tutuli. Pasensyahan na lang kung hindi mo trip ang kanyang mga banat.

Pero nahihirapan talaga ang utak ko sa kakaisip. Bakit kaya yung lalaking yun na katabi ko kanina na malaking katawan na mukhang rapist na siga kung umasta, na kala mo kung sino kung magpausog ng pasahero makaupo lang ng maayos ang damuho, pag-upo niya sabay masid sa mga nakaupo sabay saksak ng kanyang earphone...

"I'm your biggest fan, I'll follow you until you love me...
Papa-paparazzi..."

Wiiiiiiiiih! Ganyanan ah Lady Gaga.

2 comments:

Pattita said...

panalo!

simpatikong si J.m. said...

hahaha... hey patty.. kakagulat ka ah! buti napadaan ka! :)